Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nais ngayon ni Sangguniang Bayan Member Welbec Gelito na ipatawag
sa Committee meeting ang dalawang may-ari o claimants ng lupa sa Barangay Manoc-manoc
dahil sa hindi umano pumayag ang mga ito na dumaan o daanan ng proyektong
circumferential road sa Boracay.
Ang tinutukoy nito ay ang Banico at Gelito property sa
nasabing barangay na pinoproblema pa hanggang sa ngayon.
Nabuo ng konsehal ang nasabing panukala dahil sa tumawag
umano sa kaniya ang tagapagpatupad ng proyektong ito na nagpapatulong upang masolusyunan
na ang suliranin at umusad na ang proyekto sa area na ito.
Subalit para kay Vice Mayor at presiding officer Ceceron Cawaling,
dapat ay ang National Government o DPWH ang gumawa ng aksiyon kaugnay dito
dahil sa kanila naman ang proyekto.
Ngunit agad naman kinuntra ito ni SB Member Esel Flores sa
pagsasabing “oo nga at National Government dapat pumagitna sa isyung ito”.
Subalit kailangan aniyang maki-alam at tumulong din ang
lokal na pamahalaan ng Malay lalo pa at humihingi na ng tulong ang tagapatupad
ng proyekto at ang Boracay din ang makikinabang dito na kapag hindi ito natuloy
ang isla din ang malulugi.
Matatandaang, may katagalan an rin ang usping ito pero hindi
pa na susulosyunan, makaraang manindigan din ang DPWH na hindi sila bibili ng
lupa sa isla para sa proyektong ito.
Ngunit wala naman alokasyon para pambili, sapagkat ang
Boracay ay deklaradong pag-aari ng pamahalaan.
No comments:
Post a Comment