Pages

Wednesday, June 06, 2012

MAP at pulis sa Boracay at Mainland Malay, balak i-deputize ng LTO


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Isasailalim na sa isang araw na seminar ang lahat ng miyembro ng Municipal Auxiliary Police (MAP) sa Boracay at Mainland Malay ng Land Transportation Office (LTO) - Aklan sa darating na Lunes, Hunyo 11, ayon kay Cezar Oczon, Municipal Transportation Officer ng Malay.

Aniya, matapos ang seminar na ito, aasahanag isusunod na rin ang pagsasanay upang ma-deputize na rin ng LTO ang MAP at maging ang pulis sa Boracay upang hindi puro citation ticket ng ordinansa lamang ang kanilang ipinapatupad at binabantayan sa kalye.

Katunayan, may slot na umanong inihanda ang LTO para sa mga ito.

Pero nilinaw ni Oczon na hindi naman lahat ng MAP at pulis sa Boracay at Mainland ay idi-deputize ng LTO kundi pipiliin lamang ang mga kwalipikado.

Siyam na slot para sa MAP at siyam din sa pulis sa Boracay at tag-anim din sa Pulis at MAP sa mainland Malay. 

1 comment:

  1. hay naku ang tanong sapat ba yang isang araw na seminar nila? ung iba nga d namn alam kung ano ung mga violation.. ska pinipililang ung mga hinuhuli... Pag kilala ung huhulihin wla lang... hays LTO KALIBO napaka toxic nyo...

    ReplyDelete