Pages

Wednesday, June 27, 2012

DOST, target ang coral restoration sa Boracay


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

“Coral restoration” ang pakay ngayon ng Department of Science and Technology (DOST) sa Boracay.

Kaugnay nito, inaasahang magtatagal ang taga-DOST sa isla ng isang taong para sa programang dala nila na tinatawag na “Filipinnoviation on Coral Restoration Program”.

Nabatid na ang pamahalaang nasyonal ang nagbigay ng pondo sa mga ito para isagawa ang programang ito sa Boracay bilang isa sa Pilot Technology Demonstration o model para sa promosyon ng Science-based coral reef management.   

Layunin umano nila na mabigyang solusyon ang problema sa pagkasira ng mga korales, para mas mapatatag ang turismo ng isla sa tulong ng atraksiyon ng mga under water activities at para sa kabuhayan ng mamamayan dito.

Ang programa umanong ito ay suportado nina Sen. Loren Legarda, Aklan Congressman Florencio Joeben Miraflores, Governor Carlito Marquez at ilan pang miyembro ng kongreso at senado.

Samantala, kaagapay naman nila dito sa Boracay ang Sangkalikasan Cooperative at Boracay Association of Scuba-diving Schools (BASS) mula sa pribadong sektor.

Trabaho at kita naman umano ang benipisyo nitong madadala sa mga taga Boracay kapag naging matagumpay ang proyekto.

Ang programang ito ng DOST sa pangunguna ni Cesario Pagdilao ay inilatag nila sa Sangguniang Bayan sesyon kahapon. 

No comments:

Post a Comment