Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Hanggang wala pang environmental compliance certificate
(ECC) ang proyektong circumferential road sa Boracay mula sa Department of Environment
and Natural Resources (DENR).
Ito ang paninidigan ni PENRO Officer-Aklan Ivene Reyes.
Sa panayam dito kahapon, sinabi ni Reyes na dalawang taon na
ang nakakalipas bago pa man ipatupad ang proyektong ito ay sinabihan na ang Department
of Public Works and Highways (DPWH) na kumuha ng ECC.
Subalit tila ang nangyari anya ay pinasa din ito sa
contractor ng proyekto para sila na ang magproseso ng ECC kaya mistulang
napabayaan hanggang mababaan umano ng DENR ng demand letter na nagpapatigil sa
ginagawang konstraksyon ng kalsada.
Katunayan, maliban sa walang ECC ay may kaso din umanong
hinaharap ang contractor dahil sa pagtapiyas nila sa ilang bahagi ng bundok sa
Manoc-manoc lamang mapaglatagan ng kanilang proyekto gayundin sa pagputol ng
mga punongkahoy.
Nguit dahil sa hindi na makausad ang proyekto ngayon lalo pa
at tatamaan ng ginagawang circumferential road na ito ang bahagi ng lawa na
deklaradong wet land.
Ihinayag ng PENRO Officer na ang namumuno na umano sa bawat
departamentong ito ang nag-uusap, patrikular na tinukoy nito ang kalihim ng
DPWH at DENR, para sila na ang mag-usap sa bagay na ito.
Pero sa kasalukuyan anya ay hindi pa nito masasabi sa ngayon
kung kalian pagkakalooban ng ECC ang DPWH o kontraktor para maipagpatuloy ang
proyekto.
No comments:
Post a Comment