Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Lulusubin ng mga lokal na mamambabatas mula sa iba’t ibat
lalawigan sa bansa ang isla ng Boracay sa darating na ika anim hanggang ika
walo ng Hunyo.
Ito ay kaugnaya sa isasagawang 22nd Provincial
Board Member National Convention na ikinasa ng Provincial Board Member League
of the Philippines/PBMLP na may temang “Reinforcing Partnership Towards the
Straight Path in Local Governance”.
Bunsod nito, inaasahang darating din sa Boracay para maging bahagi ng
convention na ito ang ilang matataas na opisyal ng Departemento sa bansa upang
makibahagi bilang taga pagsalita sa aktibidad na ito.
Batay sa Memorandum Order 2012-86 na nilagdaan ni DILG
Secretary Jesse Robredo na nagpapahintulot sa PBMLP, nakalatag ang mga topikong
at isyung pagtutounan ng pansin ng mga lokal na mambabatas na ito.
Kabilang ang may kaugnayan sa modernisasyon ng agrikultura,
kung papano masolusyunan ang kahirapan at gayon din ang hinggil sa gaganaping eleksyon sa taong 2013.
Inaasahang daan-daang partisipante na mga miyembro ng
Sangguniang Panlalawigan mula sa iba’t ibang probinsiya ang tutungo sa Boracay
para sa gaganaping convention na ito sa isang resort sa Station 2 ng islang ito
sa darating na Miyerkules hanggang Biyernes.
No comments:
Post a Comment