Pages

Friday, June 29, 2012

Aklan Pulis: Huwag dungisan ang pangalan ng PNP! --- PD Defensor


Ni Edzel Mainit, Field Reporter, YES FM Boracay

Kinumpirma ni Police Senior Supt. Cornelio Defensor, Provincial Director ng Aklan Police, na natimbog nga sa isinagawang follow up at buy bust operation ang isang miyembro ng Aklan Pulis na si PO2 Edcel Tan at hawak na rin ngayon ng mga otoridad.

Ayon sa hepe ng kapulisan sa Aklan, kagabi agad ay isinailalim sa drug test si Tan, pero sa ngayon ay wala pang resulta ang pag-susuri dito.

Sa kasalukuyan ay inihahanda na rin umano nila ang kasong kriminal at administratibo laban sa suspek.

Nabatid din mula dito na may mga kaparehong ulat na din laban sa nasabing pulis, bagay na inuusisa na rin umano nila ngayon matapos ang pagkaka-aresto dito.

Para kay Defensor, ang pagkakatimbog kay Tan ay isang “welcome development” sa bahagi ng otoridad sa kampaniya nilang linisin ang mga masasamang elemento sa kanilang hanay.

Kaugnay nito, nagpaalala si Defensor sa mga pulis sa Aklan na huwag dungisan ang pangalan ng kapulisan.

Umaasa din umano ito na si Tan lang ang may ganitong gawain at wala nang iba pa.

Samantala, kapag napatunayan umano ayon sa Provincial Director na magpositibo sa gawaing ito ang naturang pulis, dadaan ito sa proseso at maaaring matangal sa serbisyo.

Ito rin umano ang kauna-unahang kaso sa Aklan kung saan ang isang pulis ay natimbog sa pagtutulak ng droga simula nang maupo ito sa pagiging PD ng Aklan Police. 

No comments:

Post a Comment