Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Kung may “7 Wonders of Nature” sa buong mundo, may “7
Wonders of Malay” naman ang first class municipality na ito.
Sapgakat maliban sa Isla ng Boracay na ipinagmamalaki ng
Bayan ng Malay bilang isang International Tourist Destination, nais din ngayon ng
lokal na pamahalaan ng Malay na makilila din ang anim pang natural na yaman ng
bayang ito sa larangan ng turismo.
Bunsod nito, kasabay ng pagdiriwang ng Malay Day sa Hunyo 15,
sa darating na katorse ng gabi, gaganapin ang presentasyon sa tinaguriang “ 7
Wonders of Malay” sa isang programa sa paraan ng isang Video Presentation sa
Poblacion Malay.
Ang pitong yaman na ito ng Malay ay kinabibilangan ng Malay
Ecological Park sa Barangay Argao, Nagata Falls at Nabaoy River, Agnaga Mini
Falls and Cold Spring sa Kabulihan, Pangihan Cave sa Poblacion, Naasug Point at
ang isla ng Boracay.
Kung saan ang hakbang na ito Local Government Unit/LGU ng
bayang ito ay upang maipakita o mailatag sa publiko na hindi lamang pala ang
Boracay ang lugar sa Malay na maaaring ipagmalaki sa mga turista.
Maliban sa islang ito at mga lugar o aktibidad maqn sa loob
ng Boracay, may anim pang magagandang spots na pwede at posibleng puntahan ng
mga turista dito, bagay na puspusan na rin ang ginagawang promosyon lamang
maipakita din ang iba pang hiyas ng Malay.
Samantala, maliban sa “7 Wonders of Malay” i-rarampa rin ng
LGU sa mismong okasyon na ito ang ilang sa mga kasuutan gaya ng mga barong
tagalong at iba pang kasuotang pangbabae na likha na gawa materyales sa dito
lang din nagmula, na maaari ding ipagmalaki ng bayang ito sa mga turista.
No comments:
Post a Comment