Bagamat sariwa na sa isipan ng mga Kapulisan sa Boracay
Tourist Assistance Center (BTAC) ang mga bagay na dapat gawin pagdating sa
pagresponde sa land dispute matapos ang seminar na ikinasa kahapon, nilinaw ni
Attorney at P/S Inspector Dennis Gabihan ng Legal Services Region 6, na hindi pa
masasabi na ito na nga ang solusyon sa problema ng agawan ng lupa sa isla.
Dahil hindi lamang umano dapat ang awtoridad ang
magmalasakit sa ganitong isyu, kundi dapat ang buong kumunidad at iba pang
government agency.
Samantala, kabila ng mga isyung binabato sa mga Kauplisan sa
isla dahil sa naiipit sa problemang ito hanggang sa ang ilan ay nare-releave na
nga.
Naniniwala si Gabihan na walang kinakampihan at walang
nalabag na batas ang mga pulis dito, dahil ang masigurong ligtas lamang umano
ang bawat kampo ang layunin nila, sapagkat ang deklarasyon sa totoong may-ari
ng lupa at implementasyon ng desisyon ay Sheriff at Korte naman ang gumagawa.
Samantala, gayong hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na
ang Land Dispute sa Boracay ang isa sa pino-problema sa Boracay, apela ngayon
ni Gabihan sa publiko na sana ay pagkatiwalaan ang mga Kapulisan dito, dahil
proteksiyon sa kumunidad ang pangunahin nilang pinamamalasakitan.
No comments:
Post a Comment