Pages

Friday, May 11, 2012

Pagkabaha sa gastos ng mga magulang sa bagong K-12 curriculum, pinawi ng DepEd Aklan


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Pinawi ni Dr. Jesse Gomez, Aklan Division Superintendent ng Department of Education (DepEd), ang pagkakabahala ng mga magulang ng mag-aaral kasabay ng pagpapatupad ng bagong Curriculum na K-12 program sa pagbubukas ng klase sa Hunyo 4.

Naniniwala at batid umano ni Gomez na nababahala ang mga magulang sa programang ito dahil madadagdagan ang taon na igugugol ng mga estudyante sa paaralan at nanganaghulugan din ito nang gastos sa bahagi ng mga magulang.

Subalit ayon sa opisyal, para mapawi ang pag-alala ng mga ito, ipinapaintindi ni Gomez sa mga magulang na sa kasalukuyan unamo ay isinusulong na nang mga mambabatas upang ganap na maging batas at gawin na lamang na tatlong taon ang kolehiyo.

Ito ay dahil sa siniksik na umano sa Senior High School pa lang ang mga aralin, kaya pagdating sa kolehiyo ay pawang mga pang-professional education o Major Subject na aniya ang ituturo doon at wala na halos ang General Education o minor subjects.

Mula doon, kapag na-aprubahan na, mas makakatipid pa nga  umano sa gastos ng isang taon sa koliheyo  ang mga magulang. 

No comments:

Post a Comment