Doble na ang halagang babayaran sa terminal fee sa Jetty
Port simula ngayon araw.
Mula sa P50.00 na terminal fee ay sisimulan na ngayon ang
paniningil sa P100.00 terminal fee ayon kay Jetty Port Administrator Nieven
Maquirang.
Kasabay sa pagdiriwang at pagkilala sa araw ng mga
nagtatrabaho o Labor Day ngayong araw, Mayo 1, ipapatupad din ang bagong rate o
bayarin sa terminal fee ng Cagban at Caticlan Jetty Port sa lahat ng bisita na
pumapasok at lumalabas sa isla ng Boracay.
Aminado si Maquirang na bagamat nitong nagdaang buwang ng
Marso ay dapat ipapatupad ang P75.00 na terminal fee para sa Boracay ngunit hindi
ito natuloy dahil pinuna o kinuwestiyon umano
sila ng Sangguniang Panlalawigan (SP) ng Aklan kung bakit hindi sinunod ang
nakasaad sa bagong aprubang Revenue Code ng Aklan.
Kung maalala, nitong Disyembre ng 2011 ay inaprubahan ng SP ang
bagong Revenue Code ng probinsiya at nakapaloob dito na P100.00 na ang singil ng
Jetty Port sa mga turista o Non-Aklanons sa terminal fee, pati na rin sa mga
Non Aklanon din na pasahero ng Roll On Roll Off (RORO), mula sa P20.00 ay itataas
na ito sa P50.00
Nabatid naman mula kay Maquirang na ang huling pagtaas umano
nila sa singil sa terminal fee na limangpung piso ay ipinatupad pa tatlo o apat
na taon na ang nakakalipas.
No comments:
Post a Comment