Patay ang isang trenta’y kuwatro anyos na Korean National
matapos malunod sa boat station 1 Balabag kahapon.
Sa report ng Boracay PNP, alas dose kuwarenta’y singko ng tanghali
nang maligo sa beach front ng boat station 1 ang biktimang si Jungki Cho at isa
pang kasama nito nang mangyari ang insidente.
May kalayuan na umano sa dalampasigan ang biktima nang
mapansin ng kanyang kasamang ito’y nalulunod na at nagpapasaklolo.
Kaagad namang sumaklolo ang ilang nakapansin sa insidente kung
kaya’t nakuha ang biktima sa ilalim ng tubig.
Samantala, sinubukan ng mga rumespondeng duktor na agawin sa
bingit ng kamatayan ang biktima subali’t nabigo ang mga ito.
Kasalukuyan namang nakahimlay sa isang punerarya ang labi ng
biktima, matapos ipagbigay alam ng mga otoridad ang pangyayari sa embahada
nito.
No comments:
Post a Comment