Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Dahil sa ngayong katapusan ng Mayo ay epektibo na ang
pagpapatupad sa P12.00 na umento at bagong minimum rate sa sahod kada araw ng
mga empleyado, may panawagan naman ngayon ang Department of Labor and
Employment o DOLE-Aklan sa mga employer.
Ayon kay Vidiolo Salvacion, DOLE-Aklan OIC Provincial Head, hinhinkayat
nito ang mga employer sa probinsiya ng Aklan
lalo na ang sa isla ng Boracay na kung maaari ay sundin at ipatupad ang
bagong aprobang taripa para sa sahod ng empleyado.
Nagbabala din ito na sana di umano ay huwag nang hintayin pa
ng mga employer na ito na mag-mahuli sila kapag nagkaroon ng inspection bago
nila ipatupad ang wages rate.
Samantala, nilinaw naman ni Salvacion na ang umento na ito
sa sahod ay mararamdaman pa ng mga empleyado sa a-kinse o katapusan sa buwan ng
Hunyo.
Aasahan naman ayon sa huli na magkakaroon ng inspeksiyon ang
DOLE Aklan sa lahat ng mga establishimiyento dito para masigurong sinusunod nga
ang bagong rate na ito.
No comments:
Post a Comment