Pages

Friday, May 11, 2012

Direct Flights mula China at Taiwan sa Kalibo International Airport, tuloy pa rin


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Sa kabila ng tensiyong namamagitan sa China at Pilipinas sa ngayon, nananatiling normal pa rin ang biyahe ng International Flights mula sa Shanghai, China papuntang Kalibo International Airport (KIA).

Ito ang nilinaw ni Kalibo International Airport KIA Administrator Percy Malonesio sa panayam dito nitong umaga.

Bagamat may ilang paliparan umano sa bansa ang nakatangap ng abiso na kinansela na ang mga flights ng mga sasakyang panghimpapawid na nagmula sa Shanghai, China, siya bilang administrador ng KIA, ay wala pa umanong natatanggap na komunikasyon ng pagkasela ng mga direct flights mula China, gayong ang nangyayari umano kapag mayroong ginagawang pagbabago sa petsa o oras man ng paglapag sa paliparan dito, lalo na ang mga international flights ay ipinapa-alam aniya sa kaniya.

Pero sa pagkakataong ito ay wala pa silang black and white o dokumentong pinanghahawakan na nagsasabing apektado ang flights ng mga ito lalo na ng mga turistang papunta ng Boracay.

Maging ang direct flights mula sa Taipei, Taiwan ay hindi rin umano ikinansela.

Ang  direct flights mula Taiwan at China sa KIA ay halos araw-araw ayon kay Malonesio, at sa ngayon ay tuloy pa rin ang paglapag, hanggat wala umano siyang abiso na natatanggap mula sa airline company.

No comments:

Post a Comment