Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Mula sa isyu ng Panatag Shoal, dumating ang punto na ipina-kansela
ang mga Chinese Tourist Package sa Pilipinas kasama na ang mga naka-book
papunta sa isla ng Boracay.
Bilang Chairman ng Committee on Tourism sa House of
Representative, sinabi ni Aklan Congressman Florencio Joeben Miraflores na
ipina-uubuya muna nila sa ngayon ng Department of Tourism ang usaping ito sa
Department of Foreign Affair (DFA).
Lalo na at ang usapin umanong ito ay argumento sa relasyon
ng dalawang diplomatic na bansa kaya hihintayin nalang muna nila ang aksiyon ng
DFA.
Naniniwala naman si Miraflores na hindi magtatagal ang
isyung ito at mabibigyan din ng solusyon.
Sa kabila nito, aminado naman ang nasabing kongresista na
apektado nga ang bilang ng turista sa Boracay at sa buong bansa dala ng isyung
pumapagitna ngayon sa China at Pilipinas.
Pero nakikinita din umano nito na babalik din ang mga
Chinese Tourist na ito sa bansa kapag naayos na ang lahat.
Matatandaang kamakailan lamang ay nagbaba ng travel advisory
ang China laban sa Pilipinas kaya ang pagdating ng mga turistang Tsino ay
bumababa na rin dala ng sitwasyong ngayon.
No comments:
Post a Comment