Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Binanggit ni Sangguniang Bayan Member Esel Flores sa session
ng konseho na iwasan ang pagbanggit sa pangalang ng Boracay Island Water
Company (BIWC) sa pagdinig sa kahilingan ng Boracay Tubi na pag-endorso para sa
proyekto nila, gayong magkaiba naman ang kanilang policy, lalo pa at
kakumpensiya ang dalawang ito.
Pero tila hindi pa rin napanindigan ng Sanggunian ang bagay
na iyon nang tangungin ng ilang miyembro, kung handa rin ba ang Boracay Tubi na
gawin ang ginawa ng BIWC.
Ang tinutukoy dito ay ang piso (P1) na ibinibigay ng BIWC sa
lokal na pamahalaan ng Malay sa bawat per cubic meter na kimukuha nilang tubig sa
likas na yamang sakop ng Malay.
Ganoon pa man, nilinaw ni Flores na ang pera ay hindi ibibigay
sa LGU kundi direkta ang bawat pisong
ibinibigay ng BIWC na mapupunta sa pinagmumulan ng ilog, katulad sa programa
para sa mga tao doon sa pinagkukunan nila ng tubig o kaya proyekto para sa
bayan para mapakinabangan ng publiko.
Bilang tugon, nangako naman Jojo Tagpis, Operation Manager
ng Boracay Tubi, na ipapaabot nila ito sa kanilang pamunuan at kung
kinakailangang gagawin nila ito ay walang problema.
No comments:
Post a Comment