Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Mistulang naging malaking hamon sa lokal na pamahalaan ng
Malay ang pagka-kaladkad ng Boracay sa national media, particular sa telebisyon,
at maipakita ang negatibong bahagi ng Boracay.
Sapagkat maliban sa mga stakeholder at kay Malay Mayor John
Yap, aminado si Island Administrador Glenn Sacapano na nagdulot ito ng epekto
sa isla at sa mga taga Boracay dahil nasaktan ang mga ito sa balitang iyon
kamakailan lamang.
Gayon pa man, ayon kay Sacapano, oras na nga upang umaksiyon
na ang lokal na pamahalaan dahil aminado din sila na marami talagang problema
sa isla.
Kaya maging ang Pangulo ng Boracay Foundation na si Dionesio
“Jony” Salme ay nagpa-abot sa kaniyang mensahe kahapon na sana ay huwag nang
hintayin pang ang nasyonal government ang gumalaw para sa Boracay lamang
masaayos ang lahat sa isla, katulad sa nauna nang nangyari na hindi maganda ang
pagtanggap ng tao dito.
Gayon din ang pahayag ng Alkalde at ng Island Administrator
ng Boracay, kasunod ng napabalitang ang mga kalihim ng Pangulo ng bansa katulad
ng Secretary ng Department of Tourism,
Department of Interior and Local Unit, at Department of Environment and Natural
Resources ay may balak nang magbuo ng “Task Force Boracay” bilang suporta sa
lokal na pamahalaan ng Malay, pagdating sa pamamahala sa Boracay upang
masulosyunan ang problema dito.
Bagay na ayaw naman umanong mangyari ng LGU at mga
stakeholders sa isla, dahil minsan na itong nangyari dati.
Ayon kay Mayor Yap, baka magkaroon pa ng konpliko ang lahat
kung papasukin o pakikialaman ng nasyunal ang Boracay at tutugon sa suliranin
dito, kaya kung kinaka-ilangan ayon sa alkalde, ang lokal na pamahalaan ng
Malay na ang gagawa nito kaysa national government pa ang gagawa nito.
Naniniwala din ang alkalde na malaki ang maitutulong dito ng
Moratorium sa mga konstraksiyon sa isla na ikinasa ng LGU.
No comments:
Post a Comment