Nagtataka ngayon ang Sangguniang Bayan ng Malay kung bakit mabagal ang
implementasyon ng engineering Department ng Malay sa mga proyekto at pagbibigay
sulosyon sa mga problema sa isla, gayong may nag-gagalaiti na sa galit ang iba
dahil sa perwesyong hatid nag suliraning ito.
Ito ang isiniwalat ni Sangguniang Bayan Member Jupiter Gallenero sa
kaniyang privilege speech nitong umaga sa session ng konseho.
Batay aniya sa naobserbahan nito, tila hindi naman gumagawa ng aksiyon ang
engineering department sa kabila ng ilang beses na rin umano nilang ipinatawag
at ipa-abot sa departamentong ito ang mga suliranin sa isla.
Ayon sa konsehal nakakahiya na ang ilang sitwasyon na ito sa Boracay, at
hirap na silang magpaliwanag sa publiko ukol sa estado ng drainage sa
Manoc-manoc, at maging sa estado ng
street lights.
Dagdag pa umano sa ikinahihiya nito ay tatlo na nga silang miyembro ng konseho
at maging ang alkalde ng bayan ang nakatira sa nasabing barangay sa
Manoc-manoc, ay hindi parin na a-aksiyunan kahit pansamantalang sulosyon lang
sa mga suliranin dito.
Dahil dito, napatanong na si Gallenero sa kapwa nito konsehal kung ano na
ang dapat nilang gawin sa Engineering Department, lalo pa ng ihayag ni SB
Member Rowen Agguire na may pondo na para sa proyektong ito.
No comments:
Post a Comment