Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bukas sa posibilidad si Supt. Julio Gustilo, Director ng Provincial Tourist Police Office, na magkaroon ng isa pang himpilan ng Pulisya sa isla maliban sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC).
Aniya, mabuti naman para sa Boracay ang ganitong hakbang kung saka-sakali, para mahati din ang trabaho ng BTAC at mapag-tuonan nilang mabuti ang suliranin may kaugnayan sa turista.
Dahil ang totoo aniya ay pati domestic na problema ay saklaw nila ngayon kahit na Boracay Tourist Assistance Center na sila.
Gayon pa man nilinaw nitong hindi naman umano problema kung pati ang kaso o insidente domestic ay tutugunan nila.
Subali’t kung matutuloy man umano ito, hiling ni Gustilo na sana ay magkaroon ng malinaw na detalye ang mga obligasyon ng dalawang himpilang ito upang hindi magkaroon ng konplekto at hindi magturuan.
Matatandaang nagpasa ng resolusyon ng Sangguniang Bayan ng Malay na humihiling sa PNP Chief na lagyan ng isa pang himpilan ng Pulisya, na sa ilalim na ng superbisyon at kontrol ng Lokal na pamahalaan ng Malay, at di katulad ng BTAC na sa ilalim ng probinsiya.
No comments:
Post a Comment