Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Ipagbabawal na sa mga palengke ng Malay at Boracay ang pag-gamit ng malabo at may iba’t-ibang kulay na ilaw sa mga panindang isda at karne.
Ito’y kasabay ng ginagawang deliberasyon ng Sangguniang Bayan ukol sa Sanitation Code ng Malay at Boracay upang pormal na itong maipasa ng konseho.
Sa ginawang pagkuwestiyon ni SB Member Dante Pagsugiron sa kahalagahan ng pailaw na ito partikular sa seksiyon ukol sa nakasaad sa draft ng oridinansa.
Sinabi ni SB Member Rowen Agguire, may akda ng ordinansa na importanteng magkaroon ng maliwanag na ilaw sa mga paninda.
Subali’t nararapat lamang na ipagbawal ang mga ilaw na may iba’t-ibang kulay para sa mga paninda upang maproteksyunan at hindi madaya ang mga mamimili.
Nabatid din mula kay Agguire na Market at Sanitary inspector na ang magdi-determina kung anong uri ng ilaw ang gagamitin ng mga vendors upang malaman at makita ng mamimili ang estado ng kanilang binibili.
No comments:
Post a Comment