Pages

Thursday, March 01, 2012

Karagdagang demand ng SB sa probinsiya sa pag-e-endorso ng reklamasyon, sinopla

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ayaw na muna ngayon ni Sangguniang Bayan Member at Presiding Officer Esel Flores na dagdag pa ang limang demand ng konseho sa pamahalaang probinsiya kapalit ng ibibigay nilang pag-endorso sa kontrobersiyal na proyektong 2.6 hectar na reklamasyon sa Caticlan.

Ito ay makaraang hiling ni SB Member Wilbec Gelito na kung maaari ay isama sa resulosyon ng pag-indurso nila, na kung pwede mula sa  12.5% na share ng LGU sa terminal fee sa Jetty Port ay gawin na lamang itong 15%.

Pero, inalmahan ito ni Flores, sapagkat ang limang unang demand umano nila ay sinang-ayunan na ng Gobernador, lalo at hindi aniya nailatag at napag-usapan ang hiling na ito ni Gelito noong nagsagawa ng Committee Meeting, kaya mahihirapan sila kung isisingit pa ito.

Bunsod nito, ayon kay Flores, ay babawi na lamang sila, at ipaabot sa pamahalaang probinsiya ang kanilang ibang kahilingan kapag pormal nang na-organisa ang Caticlan Jetty Port Management Board, na siyang isa din sa demmand ng konseho sa gobernador upang i-endorso ang proyekto. 

No comments:

Post a Comment