Ni Malbert Dalida, News Director, YES FM Boracay
Naghahanda na ang Coastguard Caticlan para sa inaasahang pagdagsa ng mga turista papuntang Boracay.
Ayon kay Caticlan Coastguard Commander Terrence Alsosa, nagsagawa ng ibayong pagsasanay sa bayan ng Kalibo ang mga taga Coastguard Auxiliary.
Napapaloob umano sa nasabing pagsasanay ang pagliligtas ng buhay sa dagat.
Maliban dito, sisimulan din umano nila bukas ang pagmonitor sa operasyon ng mga RORO sa Caticlan, at maging ng mga barkong dumadaan sa Dumaguet sa bayan ng New Washington, Aklan.
Ilang assistance center naman ang ilalaan para sa mga turista at mga pasaherong mangangailangan ng tulong.
Idinagdag pa ni Alsosa ang mahigpit na implementasyon ng pagsusuot ng life jacket sa lahat ng mga pasaherong sakay ng mga bangkang may open hose deck.
Ipapatupad din ang tamang bilang ng mga pasaherong sasakay ng mga bangkang bumibyahe sa isla, para maiwasan ang over loading.
Payo naman ni Alsosa sa mga turistang magbabakasyon sa isla ng Boracay, na magpa book ng maaga upang maiwasan ang mabagot sa pagpila ng matagal sa port.
Mas makabubuti din umanong huwag nang ipilit pa ng mga pasaherong sumakay ng barko, kapag puno na ang mga ito.
No comments:
Post a Comment