Ni Malbert Dalida, News Director,
YES FM Boracay
Isandaang libong pisong reward ang nakapatong ngayon sa ulo
ng suspek sa pagpatay sa empleyadong si Crisanta Vicente sa Boracay.
Ito ang kinumpirma ni Psupt. Julio Gustilo Jr., dating hepe
ng Boracay Tourist Assistance Center (BTAC), at ngayo’y hepe ng Aklan Police
Provincial Tourist Police Unit.
Sinabi nito na ang isandaang libong pisong reward ay
ibinigay ng mismong employer ni Crisanta, na sinasabing ninakawan at pinatay sa
Boracay kamakailan lang.
Dahil dito, nanawagan ngayon si Gustilo sa lahat ng mga
nakakaalam sa pagkakakilanlan at kinaroroonan ng suspek, upang ito’y madakip.
Samantala, idinagdag pa ni Gustilo na nakahanda rin ang mga
otoridad sa mga Boracay na magpakalat ng litrato ng suspek, maging sa mga
istasyon ng telebisyon sa mabilis na ikadarakip ng salarin.
Matatandaang ang bente otso anyos na empleyadong si Crisanta
ay pinagbabaril matapos nakawan ng malaking halaga ng pera habang nagmamaneho
ng kanyang motorsiklo, nitong nagdaang Pebrero a dos, sa Sitio Lapus-lapus,
Balabag, isla ng Boracay.
No comments:
Post a Comment