Ni Edzel Mainit, Senior Field
Reporter, YES FM Boracay
Hindi na kailangang mangisda pa ang mga lokal na mangingisda
ng Boracay, sakaling matuloy ang binabalak ng Sangguniang Bayan ng Malay at
Sangkalikasan Cooperative.
Ito ay dahil gayong proteksiyon para sa mga isda partikular
sa Marine Park Area, ang nais isulong ng konseho para maprotektahan ang mga
isda sa lugar kung saan inihulog ang mga Coral Reef Buds ng Sangkalikasan lalo
pa at nakita na umano nilang dumadami na ang isda sa area na ito.
Subalit sa kabila ng magandang resulta ng programang Sangkalikasan,
nababahala ngayon ang mga ito sa nakikitang sitwasyon.
Gayong may ilang dayuhang turista at dayung mangisngisda na
pumaparoon, na dapat ay ipinagbabawal sana ang ganitong gawain lalo pa at ang
layunin ng programang ito para sa panturismong atraksiyon.
Ngunit para mabantayan ang dapat protektahang area. Nasa
plano na ngayon ng konseho na ang mga lokal na mangingisda sa Barangay Balabag
ang ilalagay na taga bantay at taga singil sa mga nagkakaroon ng aktibidad sa
naturang Marine Park Area.
Dahil naniniwala si
SB Member Esel Flores, na mas pa ang kikitain ng mga lokal na mangingisda kung
sila ang ilalagay na taga bantay sa bahaging ito kaysa mangisda pa sa laot.
No comments:
Post a Comment