Pages

Thursday, February 23, 2012

Gov. Carlito Marquez, nangakong ibibigay ang demand ng SB Malay


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Ipinangako ni Aklan Governor Carlito Marquez sa paraan ng isang sulat na ipinaabot ni sa LGU Malay, ang kanilang commitment bilang tugon sa demand ng LGU Malay kapalit ng peg-endurso sa proyektong reklamasyon sa Caticlan ng Sangguniang Bayan.

Sa sulat ng gobernador na binasa ni SB Member Esel Flores sa SB Session kahapon, ipinangako ng gobernador na handa na silang ibigay ang mga kahilingang inilatag ng konseho sa pamahalaang probinsya.

Lamang maibigay ang pang-endorsong kailangan ng probinsya at para maka-usad na rin ang naantalang proyekto pagtatambak sa Caticlan o 2.6 hectar na reklamasyon doon, kung saan, lahat nang nabanggit na limang demand ng SB, ay isa-isang idinetalye at sinagot sa sulat ni Marquez kasama ang pagpatupad sa nakasaad sa Environmental Compliance Certificate ECC.

Magugunitang ang probinsya, kahit may kaso pang kinakarap ngayon sa Supreme Court ukol sa proyektong ito ay, umapela parin sa SB Malay ng pag-endorso kung saan sa kasalukuyan ay nasa pangalawang pagbasa na ng konseho makaraang i-adopt ng SB ang Committee Report ni Flores.

Gayon paman inaasahang may mga nakatakda pang pagdinig ang SB kaugnay dito para sa pormal na pagdidisisyon sa usaping ito.

No comments:

Post a Comment