Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Bago taniman ng mangroves ay kailangang lilinisin muna ang lugar.
Ito ang layunin ng pamahalaang lokal ng Malay sa tulong ng Department of Environment Natural Resources (DENR) sa pagkakasa ng Grand Clean Up drive sa darating na Sabado, a-tres ng Marso sa Sitio Lugutan at Area ng Tulubhan Barangay Manoc-manoc.
Ito ay kasunod sa naka plano nang programa ng LGU at DENR na “Magroves for Boracay”.
Kung saan bago pa man simulan ang pagtatanim sa lugar na na-identify ng DENR ay nakatakda nang linisin ang area na ito bilang paghahanda.
Napag-alaman na lalahok sa Clean-up drive na ito ay mga empleyado ng LGU, mga estudyante ng Manoc-manoc, mga stakeholders at non-government organization o NGOs sa isla.
Samantala nagpahayag naman ng tulog at suporta sa programang ito ang Tan Yenkee Foundation.
Magugunitang, una nang inihayay ng bagong Community Environment and Natural Resources Office o CENRO Officer ng Boracay na si Mersa Samillano, na may mga pag-uusap na sila ng alkalde ukol sa balak na palaguin ang eco-tourism sa Boracay.
No comments:
Post a Comment