Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Nababahala ngayon ang Bantay Dagat sa Boracay sa mga natatanggap nilang impormasyon na ilang divers sa isla ang naisumbong sa kanilang ginalaw at nililipat ng lugar ang mga korales, na malinaw na ipinagbabawal dahil hindi ito maganda at posibleng ikasira o ikamatay ng mga yamang dagat na ito.
Sa panayam kay Jhon Felix Balquin, Marine Biologist ng Malay Agricultures Office at isa sa mga Bantay Dagat, minsan na rin umanong nadatnan nila at naabutang may nakataob na korales, dahil sa pinapaniwalaang ginalaw at nilipat ang bato kung saan tumubo ang korales, kaya kapag ipagpatuloy ito ay posibleng maputol at mamamatay ang yamang dagat na ito.
Kung saan ginagawa aniya ang paglipat ng mga korales ng ilang divers, lamang nakakuha ng espasyo doon sa ilalim ng dagat habang nagtuturo sa mga baguhang divers, kaya inu-urong nila ito.
Bagamat ang ilang sa mga diving instructor at diving shop ay alam umanong ipinagbabawal ito pero tila kinakaligtaan na.
Lalo na ang pangu-nguha ayon kay Balquin ng mga seas shell, katulad ng Gem Clams, trumpet, budyong at iba pang seashells at korales kahit pa sabihing patay na ito ipinagbabawal ding kunin.
Higit naman ikinalulungkot aniya ng mga taga Bantay Dagat ang nakikitang sitwasyon na iniiwan lang ang mga seas shells na ito makaraang kunan ng laman.
Dahil sa hindi kagandahang obserabsyon na ito, para hindi na maulit pa.
Hiling ngayon ni Balquin na kung maarii ang mga diving instructor habang nagtuturo sa mga baguhan o estudyante nila, gawin ito sa mabuhagin bahagi ng dagat at hindi sa may mga korales para hindi masagi at masira, gayon din wag sana aniya masyadong dumikit sa mga korales lalo na ang mga baguhang divers.
Samantala, inihayag naman ni Balquin na sa oras na mahuli ang mga ito na sinisira o kinukuha ang mga nabangit na yamang dagat, maaari umanong maparusahan ang mga ito at pagbayarin ng penalidad o mas malala ay i-kansela ang kanilang mga permit.
Kung ibabatay naman ito sa batas ng bansa maaari umanong makulong ang sino mang mahuli.
No comments:
Post a Comment