Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Dahil sa dalawang araw nalang, Ati-atihan na rin sa Boracay.
Dahil dito, ngayong hapon ay nakatakdang plantsahin ang lahat ng detalye kaugnay sa pagdiriwang, partikular na seguridad ng publiko na makikibahagi sa naturang selebrasyon.
Bagamat okasyon ito ng simbahan at may mga plano na rin ukol dito, pag-uusapan pa rin mamaya ang ruta ng parade o “sadsad” ng mga tribu at ang mga lugar na madadaanan nito.
Kasama din sa magpaplano para sa selebrasyon mamaya na ipinatawag ng tanggapan ng Alkalde ng bayang ito si Fr. Magloire “Adlay “ Placer, Kura Paroko ng Holy Rosary Parish Church, ang hepe ng Boracay Pulis, opisyal ng Philippine Army, at mga Non-Government Organizations na katuwang ng awtoridad para masiguro ang kaligtasan ng mga makikisaya.
Samantala, dahil sa pagdiriwang na ito ay magiging mabigat na naman ang trapik sa isla partikular sa mainroad dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga bisita na makibahagi sa okasyon, kung kaya’t isa ito sa mga tatalakayin sa pulong na gagawin mamaya.
No comments:
Post a Comment