Pages

Tuesday, January 24, 2012

Brgy. Manoc-manoc, tuloy pa rin ang paniningil sa bawat bangkang dumadaong sa Cargoes Area

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Aminado si Brgy. Manoc-manoc Punong Barangay Abram Sualog na naniningil nga sila ng P50.00 sa bawat bangka na dumadaong sa Cargoes Area.

Ito ay sa kabila ng pagpuna ng Sangguniang Bayan ng Malay sa ginagawa nilang paniningil, dahil sa di umano ay hindi ito aprubado sa konseho, at katunayan ay ibinasura pa ito noon, kaya wala itong legal na basehan, pero ipinapatupad pa rin ng nasabing Barangay.

Sa panayam kay Sualog, sinabi nito na hanggang sa ngayon ay naniningil o pa rin sila, ngunit ang usapin aniya ukol sa legalidad ay ipapasilip niya sa konseho at aalamin nito, lalo pa at walang pormal na komunikasyon o rekomendasyon ang SB Malay para ipatigil na ang paniningil nila ng P50.00.

Samantala, pinanindigan naman ng Punong Barangay na may basehan ang kanilang paniningil, sapagkat nakasaad aniya ito sa Barangay Tax Ordinance nila.

Maliban dito, hindi paman aniya siya ang naka-upo na Punong Barangay ng Manoc-manoc ay pinapatupad na ang paniningil na ito kaya sinunod lang din nila ngayon.

No comments:

Post a Comment