Pages

Saturday, January 14, 2012

Malay Water District, animadong kulang sa pondo; serbisyo, ipinangakong aayusin


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Taon na rin ang lumipas at ganoon na rin katagal ang paghahangad ng konseho na malaman ang estado ng Malay Water District (MWD) lalo na sa kanilang kapasidad at sa pagbibigay serbisyo sa mga kunsumidor ng nasabing kumpaniya ng tubig.

Subalit nitong Martes, sa unang sesyong ng taong 2012, nagharap-harap na ang konseho at ang General Manger ng kumpaniya ng tubig na si Bartolome Bautista, makaraang ipatawag ito ng Sangguniang Bayan para matanong ukol sa mga isyu kaugnay sa kanilang serbisyo.

Una rito, matagal na ring kinukuwestiyon ng mga konsumidor at opisyal ng bayan kung bakit hindi kanais-nais ang kulay ng tubig na sinu-suplay ng nasabing kumpanya.

Pero sa paliwanag ni Bartolome, nangyayari lang umano ito kapag may baha sa pinagkukunan nila ng tubig, kasabay ng paglilinaw na ligtas pa rin itong inumin sa kabila ng di kagandahan nitong kulay.

Ayon dito, lumabas batay sa pagsusuri ng Department of Health sa buwanang pagmonitor nila sa tubig na ligtas parin itong inumin.

Ipinaliwanag din nito na nangyayari ang pagkakaroon ng malabong tubig na sinu-suplay nila dahil sa wala pang reservoir at filter ang MWD, pero sa oras na maayos at magkaroon na ng tamang pasilidad, magiging malinaw na rin ang tubig na dadaloy sa mga pamamahay sa Malay.

Samantala, kaugnay sa estado ng kumpaniya ito, aminado din si Bartolome na hindi ganon ka-ganda ang financial status kaya maglo-loan o uutang sila para sa pang-gastos sa pagsasa-ayos ng operasyon ng Water District.

Plano umano ng kumpanya na umutang ng P15M, kung saan kalahati muna ng nasabing halaga na katumbas ng P8M ang matatanggap nila bilang pauna na siyang magagamit nila.

Ngunit ang loan nilang ito ay hindi pa naibibigay sa MWD mula sa LOWA.

Samantala, dahil sa marami na ring development sa Caticlan ngayon, inihayag ng huli na aayusin nila nag kanilang serbisyo para sa mga ito.

Sa kabila ng nararanasang suliranin ngayon ng Malay Water District, sinabi ni Bartolome na makakaya nilang masuplayan ng tubig ang Airport at ang itatayong Hotel dito dahil may plano na rin sila na paunlarin ang kanilang serbisyo.

No comments:

Post a Comment