Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay
Pinaiiwasan ang mainroad sa mga magsasadsad para hindi bumigat ang trapik.
Ito ang nais ngayon ng mga awtoridad sa isla sa darating na linggo kung saan, ipagdirawang ang Ati-Atihan sa Boracay.
Ito ang napag-usapan sa pulong kahapon para sa siguridad at kaayusan ng isla kaugnay sa selbrasyong ito.
Hiniling naman ni Boracay Administrator Glenn Sacapaño na pina-iiwasan sa mga magsasadsad ang mainroad upang hindi magka-problema at magkabuhol-buhol ang trapik sa araw na iyon.
Dahil dito, tanging ang front beach at pathway lamang ang lugar na inilaan para sa mga magsasadsad na tribu at dadaanan ng prosisyon.
Hiling din ni Sacapaño sa mga deboto ni Sr. Santo Niño na kung maaari ay iwasang magbitbit ng bote ng nakakalasing na inumin sa kasagsagan ng sadsad.
Maliban dito, kung may mapansin umanong hindi kanais-nais na maaaring pagmulan ng gulo sa grupong kasali sa magsasadsad, kung maaari ay ipagbigay alam agad ito sa awtoridad para ma-aksiyunan at hindi na magkagulo pa.
Samantala, para maiwasan ang negatibong komento sa Boracay, wish ng administrador na sana ay iwasan ang gulo at nambastos ng kapwa, gayon din sana ay magkaroon ng desiplina ang mga ito para hindi naman mapahiya ang Boracay sa mga turista.
No comments:
Post a Comment