Pages

Wednesday, January 11, 2012

Kaso ni PO2 Lary Molo, hindi pagtatakpan ng APPO; PD Defensor, mismong magsasampa ng kaso

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Dahil sa pamamaril na ginawa ni PO2 Larry Molo ng Malay PNP sa bayan ng Kalibo kagabi, nangako  si Police Senior Supt. Cornello Defensor, Provincial Director ng Aklan Police Provincial Office o APPO na walang mangyayaring pagtakipo pagkampi mula sa hanay ng PNP dahil ang may kasalanan ay dapat umanong managot kaya walang “cover up”.

Pero sinabi nito na magkakaroon ng masusing imbestigasyon sa pangyayari.

Dalawang kaso din ang kakaharapin ni Molo: una ay ang kasong criminal na isasampa ng media man at ng sibilyang tinamaan ng baril nito, at ang kasong administratibo.

Kinumpirma din ni Defensor na siya mismo ang magsasampa ng kaso laban sa naturang police officer.

Samantala, bilang komento naman ng Provincial Director sa pagdadala ng baril ng nasabing pulis sa kasagsagan ng sadsad, sinabi nitong hindi kasi talaga maiiwasang may mga pulis na makasarili at ang iniisip ay ang kanilang katuwaan lamang pero ang resulta at negatibo sa organisasyon.

Kaugnay nito, ang opisyal mismo ang huminggi ng despinsa sa nagyari, dahil hindi nito napasunod ang naturang pulis at nagresulta sa hindi magandang pangyayari.

No comments:

Post a Comment