Pages

Tuesday, January 31, 2012

Boracay hindi kinulang sa promosyon, ayon sa DOT

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Hindi naniniwala ang Department of Tourism Region 6 na kinukulang at kukulangin ang Boracay kung promosyon ang pag-uusapan.

Ito ay kahit hindi man naabot ang isang milyong tourist arrival nitong nagdaang taon ng 2011, hindi naman masama ito para sa Boracay ayon kay Atty.  Helen Catablas OIC Regional Director ng Department of Tourism Region 6.

Katunayan, maganda aniya ang naging pagpasok ng turista sa isla nitong nagdaang taon dahil ilang libo na lang sana ay maabot na ang target na bilang na ito.

Pagdating naman sa promosyon na isinasagawa ng DOT sa rehiyong ito, ang Boracay umano ang nagdadala ng bandila para mahikayat ang mga turismo ng rehiyong ito at maging ng bansa, kaya sa anumang uri ng promosyon ng departamentong ito ay dinadala talaga ang Broacay.

Kaugnay nito, humiling si Catablas ng suporta mula sa publiko sa Boracay para mapanatili ang seguridad, kaayusan at pagpapahalaga sa kapaligirang ng isla nang sa gayon maging kanais-nais ang Boracay sa mga dayuhang bumibisita sa isla.

Samantala, para lalong mai-angat ang serbisyong ibinibigay sa turista, nakikipag-ugnayan na rin ang departamento nila sa kinauukulan katulad sa pagpapaunlad ng paliparan dahil maituturing na front liner ang mga airport.

Naniniwala  kasi ang DOT na ang ”first and last impression” at nasa paliparan lalo pa at hindi umano ganon kadaling isawalang-bahala ang mga reklamo ng mga turista sa mga nakikita nila sa frontline.

Gayundin tunututukan nila ang mga nagbibigay serbisyo sa mga turistang ito katulad ng driver, boatman, at pulis sa isla sa paraan ng pagbibigay ng sapat na training upang mai-angat ang turismo.

No comments:

Post a Comment