Pages

Saturday, January 14, 2012

BLTMPC, hinamon ang SB na umaksiyon na ukol sa pagbebenta ng prangkisa


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Katulad ng konseho, hindi umano i-endorso ng kooperatiba ang mga unit ng tricycle kapag nakita nilang nabubulok na ito ayon kay BLTMPC Board Chairman Ryan Tubi.

Katunayan sa pag-inspeksiyong ginagawa sa mga unit ng tricycle sa isla maliban sa pagsisiyasat na ginagawa ng konseho, naghigpit at nagsimula na rin ang BLTMPC o Boracay Land Transportation Multi-purpose cooperative na mag-inspeksiyon sa mga unit nitong Lunes.

Kinlaro din ni Tubi na ang pagbibenta sa mga prangkisa ay bawal talaga, subalit matagal na rin itong ginagawa kaya nakasanayan na rin dahil wala naman ginagawa ang SB sa gawaing ito.

Kaya dapat ang konseho na rin umano ang gumawa ng aksiyon ukol dito.

Maliban din kasi sa isyu ng pagbebenta sa mga prangkis,a may ilang impormasyon ding sa iisang prangkisa dalawa o tatlo ang unit, na mariing ipinagbabawal din ayon dito.

Pero wala pa naman umano silang nalalaman na gumagawa nito, sapagkat dapat sa bawat isang prangkisa, isang unit lang din ang pwede.

Ang pahayag na ito ay bilang reaksiyon ng kooperatiba sa plano ng konseho na maghihipit na pagdating sa pag-endorso at paggamit ng prangkisa lalo na ng mga tricycle sa Boracay.

No comments:

Post a Comment