Pages

Wednesday, December 07, 2011

Mga media, lulusob sa Boracay para sa 16th National Press Congress at Global Media Forum

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Inaasahang lulusubin ng mga media ang Boracay, hindi lamang  ng mga mamamahayag mula sa Pilipinas, kundi inaasahang mayroong ding mga darating mula sa ibang bansa para makibahagi sa 16th National Press Congress (NPC) na gaganapin dito sa isla sa darating na a-otso hanggang a-diyes ng Disyembre.

Pangungunahan ni Sen. Edgardo Angara, Presidential Communications Secretary Ramon Carandang at ng ilang lokal na opisyal ng Aklan ay Malay ang programa.

Inaasahang dadaluhan naman ng mga prominenteng mamamahayag mula sa iba’t ibang bansa bilang mga delegado ang 16th NPC at Global Media Forum (GMF).

Maliban kila Angara at Carandang, inaasahan din ang pagdating sa Boracay para dumalo si Malaysian Ambassador Dato Seri, Dr. Ibrahim Saad, at Ethan Sun na deputy chief ng embassy ng China.

Inaasahan din ang pagdalo ng bureau chief ng American Broadcasting Company na si Choto Sta. Romana, Albay Governor Joey S. Salceda, Manila Overseas Press Club president and Philippine Daily Inquirer publisher Isagani Yambot, National Press Club president Jerry Yap, Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) president Roberto J. Nicdao  Jr., Ms. Girlie Linao, pangulo ng Foreign Correspondent Association of the Philippines (FOCAP), at Allan T. Siaon, Pangulo ng Federation of Provincial Press Club of the Philppines (FPPCP), na kapwa mga speaker din sa NPC.

Sa gagawing 16th NPC at Global Media Forum (GMF), inaasahang halos lahat ng isyu sa lipunan, kapaligiran at pamahalaan ay tatalakayin sa okasyon ito.

No comments:

Post a Comment