Pages

Wednesday, December 07, 2011

Istraktura ng BSTPO, ipinababago ng SB Malay

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

May plano ngayong umapela ang Sangguniang Bayan ng Malay sa mataas na tanggapan ng Philippine National Police (PNP) para kilalanin din ang Punong Ehekutibo ng Malay pagdating sa pagpili ng hepe na ilalagay sa Boracay Special Tourist Police Office (BSTPO).

Sa pagkakabuo kasi ng BSTPO noong 2005, batay sa General Order ng Pulisya, direkta ito sa nasyonal at ang Regional Office, Provincial Office at ang gobernador lamang ang maaari makapili ng ilalagay na Hepe dito.

Subalit, sa pagdalo kanina sa sisyon ni Atty. Wilfredo Sereño, ang representante ng National Police Commission (NAPOLCOM), tila nalinawan din ang konseho ukol sa pagkakabuo ng BSTPO.

Gayun paman hindi, mistulang hindi parin nasagot ang ilam sa mga matagal nang katanungan hinggil sa konplikto ng Malay PNP at BSTPO gayong sa iisang bayan lamang dalawang himpilang ng pulis na ito.

Naitanong din ng konseho kay Sereño kung papano umano mapasunod ng Alkalde ang mga Pulis sa Boracay pagdating sa pagpapatupad ng ordinansa, gayong nasa ilalim ng kapangyarihan ang mga ito ng nasyonal at probinsiya.

Bunsod nito matapos matanong ng opisyal ng NAPOLCOM kung ano ang plano ng SB.

Kinumpirma mismo ng miyembro ng Sanggunian na magpapasa sila ng resulosyon para ikunsidera din ang kanilang mga kahilingan.

Subalit, gayong wala pang pormal na mosyong nabuo ang SB sa bagay na ito, mariin pa umano nilang pag-aaralan ang hinggil dito dahil General Order ang naging basihan ng pagkakabuo sa BSTPO.

No comments:

Post a Comment