Pages

Friday, November 25, 2011

Posisyong Chief Operation Officer, nasa plantilya naman ng LGU Malay --- Sadiasa

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Taliwas sa inihayag ni Sangguniang Bayan Member Rowen Agguire sa sisyon ng SB Malay nitong martes  na di umano ay  walang item o posisyon sa plantilla ng lokal na pamahalaan ng Malay na Chief Operation Officer (COO) na siyang kasalukuyang posisyon ni Island Administrator Glenn SacapaƱo.

Dahil dito, nilinaw ni Malay Administrator Godofredo Sadiasa, na mali ang interpratasyon ito, kung sasabihing walang COO sa plantilla ng LGU Malay, sapagkat ang totoo ay mayroon namang ganito.

Katunayan umano ay napasama at naipasok ito nitong taong 2011 at pinondohan pa ang posisyong ito.

Maliban dito, ang COO aniya ay pinalitan na rin nila ng bagong titulo ngayon sa plantilya at ginawa na itong “Chief Executive Assistant-IV”, na naglalaman ng mga kuwalipikasyong naayon sa level na itinakda ng Civil Service.

Kaya para sa kaniya, hindi isyu ang usaping ito dahil may COO naman talaga sa plantilya ng lokal na pamahalaan ng Malay.

Gayun pa man, ipinaliwanag din nito na ang pag-likha ng posisyon ng isang namumuno sa bayan, lalo na kung ito ay nakakatulong sa magandang pagpapatakbo ng pamahalaan, kahit hindi prescribed o itinakda ng Civil Service, ay possible namang mangyari at walang problema dito dahil pinahihintulutan naman ito ng batas.

Subalit kung pagbabatayan at babalikan ang pahayag ni Aguirre, hindi lamang ang isyu sa posisyon ang problema doon, dahil tila kuwestiyunable din ang kuwalipikasyon ng taong nakaposisyon o naluklok dito.

Ngunit nang matanong ito ukol sa sinabi ni Aguirre na di umano ay hindi kuwalipikado si SacapaƱo, tumanggi itong magbigay ng pahayag hinging sa nasabing usaping, at sa halip sinabi ni Sadiasa na hindi siya ang tamang tao para sumagot, dahil ang mga record umano ay nasa Municipal Human Resources at sila ang nakaka-alam nito.

No comments:

Post a Comment