Pages

Sunday, November 13, 2011

Alegasyon laban kay Glenn Sacapaño, Korte na ang bahala

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Nasa korte na ang kaso kaya hayaan nalang na ito ang sumagot sa alegasyon laban kay Island Administrator Glenn Sacapaño, kung may illegal nga bang aksiyong nagawa ang grupo nito sa pagpatupad ng ordinansa hinggil sa Noise Pollution sa Boracay.

Ito ang inihayag ni Sacapaño sa panayam dito kaugnay sa nangyaring eskandalo nitong nagdaang a-kwatro at a-singko ng Nobyembre ng madaling araw, nang aksiyunan nila Boracay Pulis ang problema sa ingay dala ng isang Bar sa Balabag, kung saan doon din hinamak ang pagkatao at hinamon si Chief Inspector Chisthoper Prangan.

Bagay na inireklamo ng Manager ng Bar si Sacapaño sa himpilan ng Pulisya dahil sa di umano ay illegal ang pangugumpiska nila sa ilang kagamitan sa establishemento.

Gayon paman, tila hindi natinag ang administrador kung nai-reklamo man ito, gayong ang usaping aniya ay naisampa na sa korte, kaya ito na ang magdidisisyon.

Nabatid mula sa pahayag ni Sacapaño, na noong a-kwatro ng Nobyembre ay pinuna nila ang paglabag sa ordinansa ng naturang bar at binigyan ito citation ticket, pero walang nagyaring pagkumpisa sapagkat bulontaryong ipinatigil at isinara ng may-ari ang bar.

Ngunit sumunod na araw ng a-singko, tila hindi manlang aniya natuto ang operator ng Bar, na kahit nariyan pa sila ng awtoridad para sitahin ang ingay na likhan ng bar, lalo pa aniyang nilakasan ang tugtog na tila nahahamon pa.

Dahil doon nasubok umano ang pagamit nila ng kanilang karapatan kaya nila ginawa iyon.

Samantala, napag-alaman din na marami na umanong citation ticket ang naibaba nila laban sa bar na iyon, at tatlong beses na rin aniya nilang na sampahan ng kaso ang nabangit na establishementong pero pasaway pa rin.

No comments:

Post a Comment