Pages

Wednesday, September 07, 2011

Fiscal’s Office sa Boracay, hiniling ng SB Malay sa DoJ

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Isang mosyon ang napagkasunduan ng mga miyembro ng Sangguniang Bayan ng Malay para magpasa ng isang resolusyon sa Departement of Justice o DoJ na humihiling na kahit isang araw sa isang linggo ay magkaroon ng opisina sa Boracay sa Fiscal’s Office.

Ito ang napagkasunduan ng konseho sa sesyon nila kahapon, dahil batid ng mga ito na mahirap at magastos sa bahagi ng pulis sa Boracay na magbiyahe dala ang suspek lamang makasampa ng kaso.

Maliban dito, peligroso at isang pakikipagsapalaran sa bahagi ng mga pulis ang ganitong sitwasyon.

Kaya mas mainam kung posible lamang ayon sa mga ito na ang taga prosekyuson na lamang ang pumunta dito.

Subalit hindi lamang ang fiscal  ang target nilang  magkaroon ng opisina sa isla, sapagkat maging ang Public Attorney’s Office o PAO ay gusto din nilang magkaroon ng opisina dito, para ang mga suspek ay maipagtanggol din ang kanilang sarili.

No comments:

Post a Comment