Pages

Wednesday, August 31, 2011

Pagtalima sa kompromiso, pinagdududahan ni Cann


Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Papasok sa kompromiso basta hindi lalampas pa sa 2.6 hectares ang reklamasyon sa Caticlan.

Ito ngayon ang “wish” ng Boracay Foundation Incorporated (BFI) sa pamahalaang probinsya, taliwas sa nakasaad sa reclamation plan ng may proposisyon na 40 hectare.

Aniya, maliban dito, kapag pumayag ang kabilang kampo sa hinihiling nila kasama ang pag-aaral ukol sa isyung pangkapaligiran, mistulang nanalo na rin umano ang BFI sa lagay na iyon.

Pero nilinaw nito na itutuloy pa rin nila ang kaso, sapagkat duda pa rin sila na masusunod ito, dahil 40 ektaryang reklamasyon ang nakasaad sa mga dokumento ng probinsya.

Subalit, isinatinig ni Cann na hindi sila tutol sa 2.6 hectare na ito, at maging sa plano nilang itayong gusali mula sa tinamanbakan lugar na ito sa Caticlan. Ang kanila lamang ay kung tatalima sa napagkasunduan nila ang probinsya.

No comments:

Post a Comment