Pages

Wednesday, July 13, 2011

Pangulong Aquino III, tiwalang bubuti ang buhay ng Aklanon sa turismo

Ni Edzel Mainit, Senior Field Reporter, YES FM Boracay

Tiwalang-tiwala si Pangulong Benigno Aquino III na may magandang uportunidad na naghihintay sa mga Aklanon upang kumita, makapag-trabaho at para mapabuti ang kundisyon ng kanilang buhay.

Para sa kanya, mapalad ang Aklan dahil sa malaking tulong ng turismo sa mga ito kung ikukumpara sa ibang lalawigan na kailangang tulongan ng pamahalaan sa paraan ng mga programa at proyekto ng gobyerno.

Pero nasa sa Aklanon na umano kung papano nila ito palalaguin.

Kaugnay nito, pinayuhan niya ang mga Aklanon na asikasuhin ang mga turistang pumunta sa Boracay, na inaasahang aabot pa sa tatlong milyong turista bawat taon.

Ito ay kapag maging internasyonal na ang paliparan at matapos ang Caticlan/Boracay Airport.

Kaya tiwala si Aquino na  marami sa Aklanon ang mgakakaroon ng trabaho.

No comments:

Post a Comment