Pages

Monday, June 06, 2011

MOA na pinasok ng probinsya tsismis lang daw


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Mariing itinanggi ni Jetty Port Administrator Nieven Maquirang ang kumakalat na impormasyon na pumasok ang pamahalaang probinsya sa isang kasunduan o Memorandum of Agreement MOA sa isang negosyante na planong magpatayo ng Shopping Mall sa Caticlan.

Sa paglilinaw nito, inihayag ni Maquirang na kung may mga impormasyon na katulad nito ay hindi makakalusot sa kanila dahil idadaan ito sa Sangguniang Panlalawigan para sa pag-aproba.

Dahil dito sa pananaw ng administrador ay tsismis lamang ang impormasyon at mistulang ginawa lang ito para ilihis ang punto na pawang pang Jetty Port na gamit lamang ang pagtatambak na proyektong ito.

Maliban dito, inamin ni Maquirang na siya mismo ay hindi sang-ayon na lagyan ng Shopping Mall sa bandang Jetty Port na kailangan pang magkaroon ng panibagong reklamasayon.

Pero kung magkaroon man aniya ay sa mainland umano siguro ito ilalagay, para mapa-unlad din ito.

Magugunitang naging laman ng usap-usap kamakailan lamang na pumasok umanom sa MOA ang pamahalaang probinsya na pumapayag na magkaroon ng reklamasyon sa Caticlan na napaloon sa apat na pung ektaryang inaprobahan ng Philippine Reclamation Authority PRA upang pagtayuan ng Shopping Mall.  

No comments:

Post a Comment