(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)
Kahit aminado ang lokal na pamahalaan ng Malay na nasira na ang mga Malaynon sa mga employer o establisemento sa Boracay bilang empeiyado,umapela ngayon si Dennis Briones ng Public Employment Office PESO Malay na bigyan din sana ng pagkakataon o i-prayoridad din kahit sa mababang uri ng posisyon sa anumang resort ang mga Malaynon na makapagtrabaho dito sa isla.
Ang apela na ito ni Briones ay bilang hiling sa mga employer matapos magkaroon ng masamang impresyon ang mga ito, dahil madalas umanong umuuwi ang mga empleyadong taga rito, rason upang mamarkahan ang mga ito ng hindi magandang imahe.
Gayum pa man, sinabi ni Briones na kahit ganito na ang sitwasyon, mayroon pa namang mga establisemento ang humihingi sa tanggapan nito ng tulong para mabigyan ng mga aplikanteng Malaynon at bilang pagsunod na rin sa ordinansang dapat ang apatnapong pursiyento ng tauhan ng isang establishemento ay mga Malaynon.
No comments:
Post a Comment