(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)
Tila hindi apektado ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) Boracay sa kasong kinahaharap nito sa makontrobersyal na reklamasyon sa Caticlan.
Ayon kay CENRO Officer Merlita Ninang, hindi naman sila sa DENR ang nagbigay ng Environmental Compliance Certificate (ECC) sa reklamasyong ito, kundi ang Environmental Management Board (EMB) na si Director Cabanaya.
Dagdag pa nito na kahit ang DENR-EMB sa Regional Office ang nagbigay ng ECC ay may magkahiwalay na tangapan naman ang DENR-CENRO dito.
Kaya’t nilinaw nito na wala silang kontrol pagdating sa ganitong proyekto, maliban sa Regional Office.
Gayun paman sinabi ni Ninang na sa ECC na ibinigay ng EMB ay ang obligasyon nila ang magsagawa din ng buwanang pagmonitor sa proyekto upang masiguro na nasusunod nga ang nilalaman ng sertipikasyong ito.
Kampante naman ito sa nasabing usapin, dahil aniya’y nasa magkaibang tanggapan naman sila ng EMB.
No comments:
Post a Comment