Pages

Wednesday, June 01, 2011

Board member Rebaldo, sinermunan ang kapwa konsehal dahil sa madalas na pag-absent?

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)

Naglabas ng hinanaing sa subrang pagkainis si Board Member Raymar Rebaldo sa kapwa nito konsehal sa sesyon ng Sangguniang Panlalawigan nitong umaga dahil sa madalas umanong walang Quorum at hindi pagsipot ng ilang miyembro ng konseho,kapag magpatawag ng Committee Hearing.

Sinabi nito sa sesyon na nahihiya ito para sa iba pang may akda ng resulosyon at  ordinansa na mula pa iba’t ibang bayan sa Aklan na dumadalo at naghihintay sana na madinig sa SP ang kanilang isunusulong.
Ang  labas aniya ay nag-aaksaya lamang ng panahon  at pamasahe ang mga ito dahil sa huli ay uuwi lang din na hindi man lang na bigyan ng hustisya ang kanilang pagpunta doon.

Binanggit din nito na tila nahihiya siya sa mga dumalo kamakailan lamang, partikular sa mga taga lokal na pamahalaan ng Malay na inaanyayahan din para dinggin ang nakasalansang resolusyon at ordinansa.

Dahil dito,hiniling ni Rebaldo sa kapwa miyembro ng Sanggunian na kung maaari ay abesuhan ang kalihim ng SP sakaling hindi makakadalo ang mga ito,upang hindi rin malagay sa alanganin ang mga naimbitahan.

Samantala, tila natahimik naman ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan sa naging latinyang iyon ni Rebaldo.

No comments:

Post a Comment