(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Senior Field Reporter)
Bawat taon ay tumataas ang pangangailangan sa suplay ng kuryente ng buong probinsya ng Aklan partikular na ang pangangailang sa isla ng Boracay ayon sa inihayag ni Chito Perlata, General Manager ng Aklan Electric Cooperative Akelco sa isinagawang Annual Membership General Assembly o AGMA sa bayan ng Lezo nitong Sabado.
Kaugnay sa mataas na pangangailangang ito at pagmahal ng kuryente mula sa pinagkukunan ng suplay na limitado na rin sa kasalukuyan.
Pinapili ngayon ni Peralta ang mga miyembro kunsumidor kung saan sila: “sa mataas na singgil sa bayarin ng kuryente, kapalit ng sapat na suplay ng enerhiya o : manatiling mababa ang bayarin pero kulang ang enerhiyang dini-distribute sa bawat pamamahay at establishemento o tinatawag na low voltage” na nagiging rason ng pagkasira ng mga kagamitan.
Dahil dito, nasa plano na umano ngayon ng Akelco na magkaroon ng sariling planta sa susunod na mga taon sa Aklan para hindi na kailangan pang bumili na enerhiya kung saan, at mapanatiling mababa ang bayarin sa kuryente gayon din magakaroon ng sapat na suplay nito ang probinsya.
No comments:
Post a Comment