Pages

Wednesday, April 13, 2011

Resolusyon ni Cabrera, kinuwestiyon ng kapwa konsehal


(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)

Tila hindi pumasa sa panlasa ng ilang miyembro ng konseho ang resolusyon ni SB Jonathan Cabrera na naglalayong hihiling kay Pangulong Benigno “PNoy” Aquino III na bigyan na ang awtoridad ang PAGCOR sa Boracay na magkaroon ng operasyon ng junket o casino pero eklusibo lamang para sa mga dayuhan.

Paliwanag ni Cabrera, ang rason nito sa pagsusulong sa nasabing resolusyon ay upang mahikayat ang mga  nasa oposisyon o tutol sa pagkakaroon ng casino sa Boracay na hindi mangyayari ang iniisip at inaasahan nilang epekto nito sa komunidad.

Dahil dito, umaasa si Cabrera na kapag mabigyan na ng awtoridad ng Pangulo ang PAGCOR ay malaking punto ito para makumbinsi na ang mga tutol para pumayag sa operasyon ng casino.

Pero, hindi ito sinang-ayuanan ng kapwa nito konsehal sapagkat ayon kay SB Rowen Aguirre lalabas aniya na parang pinangungunahan na ng resolusyon ang kanilang desisyon sa konseho.

Ito ay dahil hindi pa nai-e-endorso ang Crown Regency bilang veneue ng operasyon nito sa Boacay ay mauna pang magpapasa ng resulosyon sa pangulo para bigyan ng awtoridad ang PAGCOR na payagan ang nasabing hotel na mag-operate ng junket sa kondisyon na tanging dayuhan lamang ang pahihintulutan na makapag-laro dito.

Sinabi din ni Aguirre na mistualng wala ding silbi ang pagkumbinsi ni Cabrera sa mga tumututol sa casino sapagkat nakapinid na ang mga tenga ng mga ito at ayaw nang makinig pa sa anumang paliwanag dahil sa paniniwalang ang casino ay masama.

Kinuwestiyon din ni SB Jupiter Gallenero si Cabrera kung bakit kailangan pa ang resolusyon at bakit kailangang sa Pangulo talaga ito ideretso.

Kaugnay nito, nagmungkahi si Gallenero na mag-takda na lang muna sila ng mga alituntunin kung sino talaga ang maaaring makapaglaro bago mag-endorso at kung layunin ni Cabrera na kumbinsihin pa rin ang lahat ay dapat munang maging klaro ito.

No comments:

Post a Comment