Pages

Thursday, April 07, 2011

Panibagong reklamo, inihain kay Punong Brgy. Hector Casidsid

(Ni Edzel Mainit, YES FM Boracay Field Reporter)
Panibagong reklamo ang inihain nitong ika apat ng Abril laban kay Punong Brgy. Hector Casidsid ng Brgy Yapak sa tanggapan ni Vice Mayor Ceceron Calawing.
Ang tumatayong nagrereklamo laban dito ay si Boracay Administrator Glenn SacapaƱo.
Ayon sa inihaing reklamo ni SacapaƱo, nakitaan aniya nito ng pag-abuso sa kapanggayarihan, pang-aapi, hindi kagandahang asal at kapabayaan, ang nasabing kapitan ng Brgy. Yapak, bagay na nagresulta sa hindi kagandahang operasyon ng Material Recovery Facilities (MRF) ng nasabing barangay.
Samantala, sa isinumite din nitong reklamo, nakapaloob ang lahat ng mga dokumentong nagpapatunay o ebedinsya sa paratang kay Casidsid, kabilang na dito ang hindi pag-pagamit umano ng dalawang garbage truck dahil nakulong ito nang pansamantalang isinara dahil “na-take over” na ni Casisid ang MRF Yapak.
Maliban dito, ayon sa reklamo, ang pag-takeover umano ay walang sapat na pahintulot sa buong konseho ng Brgy Yapak, illegal na pagtanggal sa mga magtatrabaho dito, at pangungumpiska aniya ni Casidsid ng mga drivers licenses ng drivers ng MRF.
Subalit ang panibagong reklamo na ito ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng kumitiba ng Konseho.
Magugunitang si Mayor John Yap ay una na ring nagpaabot ng reklamo nito sa SB kamakailan lamang. 

No comments:

Post a Comment